Tanauan City and Barangay Women’s Coordinating Council’s Gender Responsive Strategic Planning

Alinsunod sa pagsusulong ng isang gender-responsive na Lungsod, sinimulan na kahapon, ika-17 ng Enero ang Tanauan City and Barangay Women’s Coordinating Council’s Gender Responsive Strategic Planning and Cross Learning Activity sa pangunguna nina Mayor Sonny Perez Collantes, TCWCC President Atty. Cristine Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes katuwang ang Tanauan Local Social Welfare and Development at Gad Tanauan.

Ayon kay Mayor Sonny, sa pamamagitan ng aktibidad na ito ay mabibigyang ng kaukulang kaalaman ang mga miyembro ng TCWCC patungkol sa estratehikong implementasyon ng GAD Fund sa kanilang mga komunidad.

Habang binigyang-pansin naman ni TCWCC Atty. Cristine ang kahalagahan ng papel ng bawat lider-kababaihan bilang instrumento sa pagpapalawig ng angkop na mga programa para sa sektor ng kababaihan at kabataan sa bawat barangay.

Isinagawa rin ang Orientation on Basic Gender and Development (GAD) Concepts kabilang na ang pagtalakay sa gender roles, issues, and gender-appropriate interventions sa pamamagitan ni Batangas Provincial Social Welfare and Development GAD Focal Person Ms. Eva Pallas-Morillo, RSW.

Kaugnay nito, inaasahang bisitahin ng Tanauan City Coordinating Council para sa cross learning activity ang mga award-winning facilities ng Lungsod ng Davao tulad ng:

• Child Minding Center
• Davao City Central 911
• Public Safety and Security Command Centers

• BJMP-Davao City’s Ray of Hope

Samantala, kabilang din sa nakiisa sa naturang aktibidad si City Administrator Mr. Wilfredo Ablao, mga Department Managers ng lokal na pamahalaan, mga kapitan ng 48 barangay at mga kinatawan ng bawat samahang pangkababaihan sa Lungsod.

Previous Tanauan City Jail Male and Female Dormitory Personnel Traditional New Year’s Call

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved