Planong pagpapatayo ng Coast Guard Substation Talisay sa Lungsod ng Tanauan, kasado na!

Kasado na ang planong pagpapatayo ng Coast Guard Substation sa Lungsod ng Tanauan matapos makipagpulong ngayong araw ang mga kawani mula Philippine Coast Guard-Talisay Substation sa pangunguna ni Chief Petty Officer (CPO) Michael Lascano.

Kabilang sa nakiisa sa pagpupulong na ito ang mga department managers mula City Engineering Office, City Planning and Development Office at City Budget Office na kaiisa ng pamahalaang lungsod sa paghahatid ng mga programa at proyekto para sa mga Tanaueño.

Ang naturang plano na ito ay bahagi ng inisyatibo ni Mayor Sonny na mapanatili ang kaligtasan ng ating lungsod partikular na ang mga kababayang nasa disaster-prone area tulad ng mga lakeshore barangays.

Previous Pormal na pagbubukas ng Little League Philippines Series NCR-South Luzon Leg — Baseball and Softball Tournament sa Lungsod ng Tanauan!

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved