Inagurasyon ng mga bagong School Buildings at pagsasaayos at pagtatayo ng mga pasilidad ng mga Pampublikong Paaralan, tinalakay sa 2024 1st Local School Board!

Kasado na ang pagsasaayos at pagtatayo ng mga pasilidad sa ilang pampublikong paaralan sa Lungsod ng Tanauan matapos talakayin ito ni LSB Chair Mayor Sonny Perez Collantes sa 2024 1st Local School Board.

Kabilang sa mga nakatakdang inspeksyunin ng ating City Engineering Office ay ang mga sumusunod:

• Tanauan North Central School Gymnasium, Tinurik Elementary School Gymnasium at Tanauan School of Fisheries SHS building para sa planong rehabilitasyon

• Tapia Elementary School para sa planong three-storey building at gymnasium

Bukod dito, nakatakda na rin ang inagurasyon ng mga bagong school buildings ng Ulango Integrated School, Janopol Oriental National Highschool, Tanauan South Central School at Santol Elementary School sa buwan ng Pebrero.

Samantala, kasalukuyang naghahanda na ang DepEd Tanauan City sa darating na Regional School Press Conference (RSPC) kung saan kalahok ang ating mga student journalists mula sa iba’t ibang paaralan sa Lungsod.

Previous Pagawaing Bayan ng Pamahalaang Lungsod, tinalakay sa 2024 Local Project Monitoring Council 1st Quarter meeting!

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved