Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, isang benchmarking ang pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan katuwang ang ISO Core Team nito para sa mga kawani at opisyales ng Pamahalaang Bayan ng Plaridel, Misamis Occidental sa pangunguna ni Mayor Gadwin E. Handumon.
Kabilang sa ibinahagi ni Mayor Sonny ay ang best practices ng lokal na pamahalaan ay ang 2-stage auditing sa 14 Core Processes at 12 Support Processes ng mga tanggapan ng Pamahalaang Lungsod upang makamit ang ISO Certification.
Bukod rito, ibinahagi rin ni Mayor Sonny na patuloy ang mas sistematiko at maayos na serbisyong publiko ang inihahatid para sa bawat Tanaueรฑo na alinsunod sa pamantayan ng ISO 9001:2015 o ang maigting na implementasyon ng Quality Service Management ng bawat tanggapan.
Habang nagkaroon din ng pagkakataon ang mga kinatawan ng bawat bayan kasama rin si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at City Administrator Mr. Wilfredo Ablao upang makapagpalitan ng ibaโt ibang ideya at pamamaraan patungkol sa mga programang ipinatutupad sa bawat bayan.