Ibinida rin ngayong araw sa Tanauan City Trade Fair ang pagiging malikhain ng mga kabataang sa pamamagitan ng kanilang mga ibinebentang handicrafts ngayong araw sa Juanapbuhay booth.
Kabilang sa mga produktong maaaring mabili ay tote bags, keychains, bracelets, hairclips at baked goods na gawa ng mga kabataang Tanaueño mula sa iba’t ibang barangay at organisayon sa Lungsod.
Naging possible ang aktibidad na ito mula sa pakikipatulTanaueñoungan ng LYDO – Tanauan City, Local Youth Development Council (LYDC), Sangguniang Kabataan kay Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang Ccldo Tanauan upang makapagbigay ng income-generating project para sa bawat youth organization na makatutulong sa implementasyon ng kanilang mga programa’t proyekto para sa sektor ng kabataan.
Samantala, bukas ang Juanapbuhay booth sa Tanauan City Trade fair hanggang ika-10 ng Marso sa harap ng Gov. Modesto Castillo Cultural Memorial Center, Brgy. Pob. 2, Tanauan City.