Sa pangunguna ni TCWCC President Atty. Cristine Collantes, binisita ng mga miyembro ng Tanauan City Women’s Coordinating Council ang Child Minding Center ng City Government of Davao upang alamin ang mga pasilidad at polisiyang ipinatutupad para sa mga batang Dabaweyños edad 3 months old hanggang 4.11 years old.
Ayon kay Center Manager Ms. Josephine M. Bangkil, ang Davao City Child Minding Center ay itinatag noong 1998 bilang community-based initiative at pinalawig sa Lungsod ni dating Pangulong Rodrigo Duterte upang matulungang maalagaan ang mga bata habang naghahanapbuhay ang kanilang mga magulang.
Ang nasabing pasilidad ay walang bayad at bukas para sa lahat ng mamamayan ng Davao. Bukod dito, nagsasagawa rin ng iba’t ibang aktibidad na makatutulong sa pag-unlad ng mga bata batay sa kanilang edad.
Bukod sa isinagawang benchmarking activity, ibinahagi rin ni TCWCC President Atty. Cristine Collantes at GAD Department Manager Ms. Vicky Javier na maihahalintulad ang Child Minding Center sa Child Development Corner ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan kung saan sinimulan ni Mayor Sonny Perez Collantes at kasalukuyang nagsisilbing pasilidad para sa ating mga kababayang walang mapag-iwanan ng kanilang mga anak habang inaasikaso ang kanilang mga transaksyon sa loob ng munisipyo.