Tulong Dunong at Tertiary Education Subsidy (TES), ipinaabot ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at CHED!

11 na mag-aaral sa ilalim ng Tulong Dunong at 42 mga mag-aaral na Tanaueño sa ilalim ng Tertiary Education Subsidy (TES) ang personal na pinagkalooban ni Mayor Sonny Perez Collantes ngayong araw ng scholarship grants mula sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa tanggapan ng CHED.

Katuwang si Tanauan City College Administrator Jun Goguanco kasama sina Third District Representative Chief of Staff Atty. King Collantes at TCWCC President Atty. Cristine Collantes.

Ang mga nasabing benepisyaryo ay mga kolehiyong mag-aaral mula sa Tanauan City College na kwalipikadong benepisyaryo ng Tertiary Education Subsidy ng CHED.

Previous Wawa National High School, nakatanggap ng mga Computer Sets mula sa Honda Philippine, Inc!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved