TINGNAN | Batikang Direktor at Aktor na si Mr. Leo Martinez, binisita ang Lungsod ng Tanauan!

TINGNAN | Batikang Direktor at Aktor na si Mr. Leo Martinez, binisita ang Lungsod ng Tanauan!
Sa pagbisita ng batikang Direktor at aktor na si Mr. Leo Martinez, hindi pinalampas ng ating Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Atty. Cristine Collantes na ibahagi sa kaniya at sa mga kawani ng Batangas Provincial Government ang ganda ng tanawin sa Lungsod ng Tanauan!
Kabilang din sa personal na ipinaabot at ipinabaon ni Atty. Cristine sa ngalan ng mga mamamayang Tanaueño ay ang ating kay sarap na sumang magkayakap at bibingka!
Bukod sa pagbabahagi ng kaniyang kaalaman sa larangan ng Film making kaninang umaga, kinamusta rin ni Mr. Martinez ang ating mga masisipag na Lakeshore workers sa Brgy. Gonzales na katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagpapanatili ng ganda ng ating Lawa ng Taal.
Mula sa buong pamunuan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, Maraming Salamat po sa inyong pagbisita at hangaring maging katuwang upang muling pasiglahin ang turismo ng aming mahal na Lungsod at ng buong Lalawigan ng Batangas!
By: Ranch
Previous ‘DOON PO SA AMIN SA BATANGAS INFOTOUR’

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved