Formulation/Updating on Barangay Disaster Risk Reduction and Management Plan (BDRRMP) Benchmarking & Cross-Learning on the Best Practices on Emergency Preparedness of Bohol Province
Kaugnay sa pagpapaigting ng emergency preparedness at disaster response and resiliency ng Lungsod ng Tanauan, kasalukuyang sinimulan na ang Barangay Disaster Risk Reduction and Management Plan Benchmarking at Cross-Learning Activity katuwang ang City Disaster Risk Reduction and Management Office sa pamumuno ni Ms. Chevy Menguito Gutierrez at kasama ang mga punong barangay sa Lungsod sa pamumuno ni ABC President Precious Germaine Agojo.
Layon ng aktibidad na ito ng bigyang-kaalaman at kasanayan ang bawat punong barangay sa pagdating sa komprehensibong pagbuo at implementasyon ng kani-kanilang Barangay Disaster Risk Reduction and Management Plan lalo’t isa ang Lungsod ng Tanauan sa mga bayang nakapalibot sa bulkan at madalas makaranas ng kalamidad.
Bukod dito, nagkaroon din ng simulation training pagdating naman sa Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) Training katuwang ang mga Learning Service Providers na sina Edna Oliveros ng Zoll Philippines at Diana Apron ng Komunidad Philippines.
Kabahagi rin sa naturang aktibidad and DILG Tanauan City sa pamamagitan ni DILG CGLOO Charlotte Silerio-Quiza upang talakayin ang “LISTO SI KAP DILG Training.”
Habang mas malalimang tinalakay naman ni CDRRMO Head Ms. Chevy ang Early Warning System para sa Lungsod ng Tanauan at ang kahalagahan nito pagdating sa emergency situations na maaaring maranasan ng ating mga mamamayan.