TCC – JPIA Party

TCC – JPIA Party, masayang pinasinayaan ng Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan at ni Atty. Cristine Collantes!
Sa tuloy-tuloy na mga programa para sa sektor ng edukasyon patuloy ang ibinibigay na suporta ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes para sa kanilang mga isinasagawang aktibidad.
Kaya naman, isang TCC – Junior Philippine Institute of Public Accounants Party ang isinagawa kahapon ng Tanauan City College Faculty Staff para sa isang gabing puno ng kasiyahan ng kanilang batch at departmento.
Sa isang mensahe, ipinabatid naman ni Atty. Cristine Collantes na patuloy na gumagawa ng pamamaraan ang ating Punong Lungsod para ihanda ang bawat kabataan sa Lungsod tungo sa magandang bukas. Binigyang diin niya rin ang pakikipagtulungan ng Tanauan City Women’s Coordinating Council para sumuporta sa edukasyon at karapatan ng bawat kabataan sa Tanauan.
Previous ALAY LAKAD 2023

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved