TANAUAN 911 APP (SENYAS)

MAHALAGANG PATALASTAS!
Ipinagbibigay alam ng Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang City Disaster Risk Reduction and Management Center ang paglulunsad ng TANAUAN 911 APP (SENYAS), isang “Android-based emergency application” na magagamit ng ating mga kababayan upang mabilis na matugunan ang “emergencies”, disaster-related incidents at “safety matters” saan mang panig ng ating Lungsod.
Narito ang paraan sa pag install ng Tanauan 911 Mobile App:
Step 1: I-scan ang QR Code at i-download ang apk file na matatagpuan sa mga sumusunod:
•Tanauan City Information Office fb page
•Tanauan City DRRM Office
Note: Maaari rin i-share ang copy ng Tanauan 911 App sa pamamagitan ng Share It / Bluetooth
Step 2: I-click ang na-download na apk file upang ma-install ang naturang app.
Note: Kapag nakita ang ‘error’, pumunta lang sa ‘Settings’ ng iyong mobile app at magtungo sa ‘Security’ upang ma-approve ang ‘enable unknown sources’
Step 3: Buksan ang app at mag-register upang makagawa ng sariling account. Matapos mag-register, antayin ang confirmation code na ite-text ng Admin.
Step 4: Kopyahin ang confirmation code patungo sa app at i-click ang ‘OK’ button
Step 5: Maaari mo nang gamitin ang Tanauan 911 Mobile App.
Maraming Salamat po!
Previous TANAW ang LIWANAG ngayong PASKO! Christmas Lighting

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved