TAAL UPDATE | Ayon sa pinakabagong ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) kaninang umaga 5:00 AM, namataan ang katamtamang pagsingaw nito na may taas na 900 metro na napadpad sa patimog-kanluran, habang 2010 tonelada naman ang inilabas nitong Sulfur Dioxide
Naitala rin ang ang isang volcanic earthquake rito at bahagyang pamamaga ng TVI at Kanlrang Taal Caldera, kabilang na ang pag-impis ng Silangang Taal Caldera.
Patuloy pa ring pinaaalalahanan ang publiko na bawal pa rin ang pagpasok sa Taal Volcano Island (TVI), lalo na sa Main Crater at Daang Kastila Fissures. Hindi rin pinahihintulutan ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit sa tuktok ng Bulkan.
Source: PHILVOLCS-DOST