South Korean Company na POSCO, maghahatid ng Corporate Social Responsibility (CSR) Projects sa Lungsod ng Tanauan!
Personal na pinaunlakan ni Mayor Sonny Perez Collantes sa Tanggapan ng mga Mamamayan ang mga kinatawan mula sa South Korean Company na POSCO na sina Ms. Sharmaine Vicencio at Mr. Aaron Rim upang ibahagi ang kanilang planong pagbababa ng Corporate Social Responsibility (CSR) Projects sa Lungsod ng Tanauan.
Kasama rin sa naturang pagpupulong ang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan partikular na ang Tanauan Local Social Welfare and Development, LEDIPO/Tourism Division at Community Affairs Office para sa maayos na implementasyon ng mga aktibidad ng kumpanya sa susunod na mga buwan.
Sa mensahe naman ni Mayor Sonny, taos pusong nagpasalamat ito sa POSCO sa pagpili nito sa Lungsod ng Tanauan upang maging benepisyaryo nga kanilang mga CSR projects. Aniya, ang bukas na pakikipagtulungan na ito ay senyales na matibay na pakikipag-ugnayan ng mga pribadong sektor sa pamahalaang lungsod tungo sa pag-unlad ng bawat pamilyang Tanaueño.