Soroptimist International of Tanauan Boat Blessing and Turn-over Ceremony

IN PHOTOS | Soroptimist International of Tanauan Boat Blessing and Turn-over Ceremony
Alinsunod sa adbokasiyang pang-edukasyon ng Soroptimist International of Tanauan, nakiisa si Mayor Sonny Perez Collantes sa matagumpay na Boat Blessing and Turn-over Ceremony para sa mga kababayan nating nakatira sa Sitio, Mahabang Buhangin, Brgy. Maria Paz katuwang ang pamunuan ng Boot National High School.
Ang naturang aktibidad na pinamagatang PaSinaya 2023 ay pinangunahan nina SI Tanauan Pres. Lorena Torres at Kon. Czylene Marqueses kasama ang iba pang miyembro nito.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang pinasalamatan ang naturang grupo sa patuloy na pagsuporta nito sa sektor ng edukasyon partikular na sa paghahatid ng mga kagamitan at scholarships para sa Kabataang Tanaueรฑo.
Samantala, ang naturang programa ay kaalinsabay sa kanilang Soroptomist International Week Celebrasyon na layong magsagawa ng fund raising project tulad ng Golf tournament upang maisakatuparan ang #SITIProjectLAKBAY.
Previous Last Day of Filing of Certificate of Candidacy I Tanauan City

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved