Simultaneous Tree Planting Activity, isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan bilang pakikiisa sa Buwan ng Kooperatiba
Tagumpay na isinagawa ngayong araw sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at ng City Cooperatives and Livelihood Development (Ccldo Tanauan) ang Simultaneous Tree Planting Activity sa Brgy. Wawa, Sabang Ecopark at Cambridge Subdivision sa Brgy. Darasa bilang pakikiisa sa pagdirirwang ng Buwan na Kooperatiba.
Ito ay dinaluhan ni Atty. Cristine Collantes bilang kinatawan ni Mayor Sonny Perez Collantes kasama ang mga kinatwan ng 31 kooperatiba sa Lungsod ng Tanauan, at mga kawani ng lokal na pamahalaan.
Naging posible rin ang aktibidad na ito sa tulong ng Office of the City Agriculturist – FITS Tanauan at City Environment and Natural Resources Office (CENRO) na nagbahagi ng mga binhing itinanim at Community Affairs Office (Cao Tanauan) sa pagdaraos ng aktibidad sa Sabang EcoPark. Habang nagpaabot naman ng suporta ang mga kooperatiba sa pamamagitan ng donasyong pinansyal.
Ang pagsasagawa ng mga Tree Planting Activity ay isa lamang sa mga hakbang ng ating lokal na pamahalaan alinsunod sa layunin ni Mayor Sonny na tuluy-tuloy na mapangalagaan ang kalikasan at likas-yaman ng ating lungsod.
By: Ranch