Sangguniang Barangay ng Darasa, sumailalim sa LTIA Coaching kasama ang DILG-Tanauan City at DILG Batangas Cluster 3
Sumailalim nitong Huwebes, ika-23 ng Pebrero ang Sangguniang Barangay ng Darasa sa isinagawang Lupong Tagapmaya Incentive Awards Coaching kasama ang mga kawani mula sa DILG-Tanauan City sa pangunguna ni CLGOO Ms. Charlotte Flor S. Quiza at DILG Batangas Cluster 3 Head LGOO VII Juel Fatima Dijan-Trinidad.
Ang nasabing aktibidad ay inisyatibo ng DILG alinsunod sa DILG MC 2023-022 LTIA Enhanced Criteria and Guidelines na layuning mabigyan ng karagdagang kaalaman ang ating mga lingkod-bayan sa bawat barangay patungkol sa pagpapairal ng batas sa kanilang nasasakupan sa pamamagitan ng Katarungang Pambarangay at napapamatili ang kapayapaan nito.