Sagwan Tanauan Dragon Boat Team

Pinuri at binigyang pagkilala ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes ang karangalang naiuwi ng Sagwan Tanauan Dragon Boat Team sa Lungsod ng Tanauan.
Sa ginanap na Sagwan Sagip Taal Lake Competition noong ika-8 ng Oktubre sa Talisay, Batangas hinirang na kampeon ang ating koponan laban sa mga lumahok na kopunan mula sa iba’t ibang bayan sa ating lalawigan.
Nangako naman ang ating butihing Mayor na siya ay makikipag-ugnayan sa Philippine Sports Commission para sa mga kagamitan at pangangailangan ng ating mga mahuhusay na manlalaro upang mapagyaman pa ang kanilang natatanging mga talento.
By Fash
Previous LOOK | Batang Math Wizard mula sa Brgy. Sambat

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved