Sa ika-pitong na Local School Board (LSB) meeting, karagdagang mga silya ang nakatakdang ilaan para sa mga pampublikong paaralan ayon sa ating LSB Chair Mayor Sonny Perez Collantes, kabilang na ang paglalaan ng pondo para sa pagsasaayos ng mga sirang silya na maaari pang magamit ng ating mga mag-aaral.
Bukod dito, inaprubahan na rin ng nasabing komite ang karagdagang mga Learning Support Aides upang patuloy na maipaabot ang dekalidad na edukasyon sa Lungsod ng Tanauan.
Habang nakatakda namang bigyang-pagkilala ng Local School Board ang ating mga bagong guro na nakapasa sa katatapos lamang na 2022 Licensure Exam for Teachers (LET).
Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat ang buong pamunuan ng DepEd Tanauan City sa pangunguna nina City School Division Superintendent Mr. Rogelio O. Opulencia at Assistant SDS Ms. Rhina Ilagan sa cash gift na ibinahagi ng lokal na pamahalaan para sa lahat ng Teaching at Non-Teaching personnel ng 59 na pampublikong paaralan.
Kabilang din sa dumalo sa nasabing pagpupulong ay sina Tanauan Public School Teachers Association President Susan Ignacio, Federated Parents-Teachers Association President Antonnete Corpuz, National Employees Union President Romel G. Villanueva, City Engineering Office Representative Engr. Roberto, Chair Committee on Education and Culture Kon. Czylene Marqueses, City Administrator Mr. Wilfredo Ablao at City Treasurer Mr. Fernando Manzanero upang pag-usapan ang kasalukuyang pangangailangan sa ating mga paaralan, partikular na ang karagdagang non-teaching personnel at iba pang mga kagamitan.