Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, tututukan ang paghahatid ng Programang Pangkabuhayan sa bawat barangay
Sama-samang pinulong ngayong araw nina Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes ang lahat ng mga kinatwan ng bawat barangay sa Lungsod ng Tanauan upang partikular na talakayanin ang mga programang pangkabuhayan na ihahatid ng lokal na pamahalaan para sa kani-kanilang komunidad.
Kabilang sa agenda na pinag-usapan ay ang pagtatayo at pangangalaga ng mga community-based farms/garden na ibinahagi ni City Agriculturist Mr. Sherwin Rimas kung saang inaasahang matulungan ang ating mga magsasakang Tanaueño.
Habang ibinahagi naman ni Congw. Maitet ang ilan sa mga interbasyong maaaring ihatid ng kaniyang tanggapan patungkol sa aspeto ng kabuhayan at trabaho katuwang ang Department of Labor and Employment at iba pang ahensya ng pamahalaang nasyunal.
Bukod dito, ipinaliwanag din ni Tanauan CSWD head Ms. Vicky Javier ang mga panuntunan patungkol sa pagbababa ng programang Localized Livelihood Grants na layong maghatid ng karagdagang kita para sa ating mga kababayan.