Preparations for PCCI’s Most Business-Friendly LGU Award

Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, naghahanda na upang masungkit ang PCCI’s Most Business-Friendly LGU Award!

Pinangunahan ng ating City Administrator Mr. Wilfredo Dodong Ablao katuwang si Local Economic Development and Investment Promotions Officer Ms. Marilyn Calimag ang pagbuo ng Technical Working Group para sa muling pagsali ng Lungsod ng Tanauan sa Philippine Chamber of Commerce and Industry Annual Most Business-Friendly Local Government Unit Awards.

Kabilang sa pagtutuunang pansin dito ang mga outstanding efforts ng ating Lokal na Pamahalaan partikular sa trade and investments, transparency, accountability and efficiency in delivering business services.

Sa mahusay na pamumuno ni Mayor Sonny Perez Collantes na mapalago ang mga negosyo, maisaayos ang mga Pampublikong Pamilihan, mabilis na serbisyo ng ating Lokal na Pamahalaan, pagrami ng trabaho at pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan, nakikitaan ng potensyal na masusungkit ng ating Lungsod ang inaasam na Most Business Friendly City Awards ngayong taon.

Previous Validation Meeting for Senior Citizen’s Beneficiaries

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version