Validation Meeting for Senior Citizen’s Beneficiaries

Validation para sa karagdagang Benipisyaryo sa Senior Citizens, bahagi ng kanilang pagpupulong ngayong araw!

Patuloy ang isinasagawang consultative meeting ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes katuwang ang ating City Administrator Mr. Wilfredo Dodong Ablao para sa ating mga Senior Citizens upang alamin ang mga pangangailan ng kanilang miyembro sa bawat komunidad.

Bahagi rin nito ang magaganap na validation sa darating na Huwebes, ika-11 ng Hulyo para sa karagdagang benepisyaryo sa ilalim ng National Pension for Senior Citizen mula sa ating Pamahalaang Nasyunal.

Ayon naman sa ating City Administrator, mahalagang nasusuri at nalalaman ang pangangailangan ng ating mga Senior Citizens upang maisaalang-alang ito sa paglikha ng mga programa tulad na lamang ng karagdagdang insentibo para sa kanilang Sektor.

Previous Libreng wheelchair mula kay Mayor Sonny at TCWCC President

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version