CITY HENYOS AT CITY ISKOLARS, NAKIISA SA PRC BARAKONG BAYANI TREE PLANTING ACTIVITY AT 75!
Bilang paggunita sa ika-75 Anibersaryo ng Philippine Red Cross (PRC), malugod na sinuportahan ng City Government of Tanauan, Philippine Red Cross- Batangas Chapter-Tanauan Branch, Red Cross Youth Tanauan (RCY-Tanauan) at Department of Education (DepEd) ang isinagawang “PRC Barakong Bayani Tree Planting Activity at 75” na ginanap ngayong araw, April 15 sa Tanauan City Integrated High School (TCIHS).
Sa pangunguna ng RCY Tanauan Chairman of Youth Committee, Sir Marco Amurao at TCIHS-Red Cross Youth Adviser, Ma’am Betty Javier castillo, katuwang ang dalawampu’t apat (24) na mga volunteers mula sa TCIHS at Tanauan City College (TCC) matagumpay na naisagawa ang programa. Samantala, may kabuuang anim na daan (600) ang punla ang napunta TCIHS.
Layunin nito na magbigay inspirasyon at pagtatakda bilang halimbawa sa mga kabataan at mga mag-aaral na pagmamalasakit sa kapaligiran.
Samantala, bukas din ang nasabing aktibidad sa mga nais magtanim ng mga punla sa mga nakalaang munisipalidad at lungsod sa ilalim ng Taal Volcano Protected Landscape o sa mga sariling bakuran.