Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, nakiisa sa ginananap na DILG Philippines Local Chief Executives’ Forum patungkol sa Manila Bay Clean-up Rehabilitation and Preservation Program (MCRPP)

Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, nakiisa sa ginananap na DILG Philippines Local Chief Executives’ Forum patungkol sa Manila Bay Clean-up Rehabilitation and Preservation Program (MCRPP)
Bilang bahagi ng pagpapanatiling malinis ang mga ilog sa Lungsod ng Tanauan, nakiisa sa ginanap na DILG Local Chief Executives’ Forum ang ating lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Chief of Staff Mr. Elmer Perez na kumatawan sa ating Mayor Sonny Perez Collantes upang makibahagi sa Manila Bay Clean-up Rehabilitation and Preservation Program.
Kabilang sa tinalakay rito ay ang 2022-2040 Manila Bay Sustainable Development Master Plan na magsisilbing basehan ng lokal at nasyunal na gobyerno sa pagpapa-igting ng rehabilitasyon ng Manila Bay.
Habang ibinahagi rin dito ang mga kasalukuyang ipinatutupad na mga ordinansa at hakbangin sa mga anyong tubig na nakakasakop sa Manila Bay Watershed Area at bahagi sa kanilang mga bayan at siyudad.
Previous Ang pagtataling puso ng limang pares sa Lungsod ng Tanauan.

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version