Programa upang Palakasin ang Sektor ng Edukasyon, Suportado ng Pamilya Collantes

Programa upang Palakasin ang Sektor ng Edukasyon, Suportado ng Pamilya Collantes
Bilang bahagi ng pagsuporta ng pamilya Collantes sa mga programa ng Pamahalaang Lungsod, nakiisa si Atty Cristine Collantes bilang kinatawan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa pagpapasinaya ng proyektong “Gulayan sa Paaralan Project 2022” ng DepEd Tayo Bilogbilog ES – Tanauan City.
Layon nitong palakasin ang supplemental feeding program para sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng organikong pagtatanim gamit ang mga recyclable materials.
Tagumpay na naisakatuparan ang proyektong ito sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, ating mga masisipag na mga magulang mula sa Kindergarten hanggang sa Grade 6 ng nasabing paaralan at kabilang na ang mga kawani at mga guro ng DepEd at mga PTA officers.
Previous Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, nakiisa sa ginananap na DILG Philippines Local Chief Executives’ Forum patungkol sa Manila Bay Clean-up Rehabilitation and Preservation Program (MCRPP)

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version