Local AICS para sa mga Tanaueño, ipinamahagi ni Mayor Sonny Perez Collantes!
Higit 200 mga Tanaueño ang nabigyan ng tulong pinansyal ngayong araw sa ilalim ng programang Local Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang City Treasury Office at Tanauan Local Social Welfare and Development.
Nakiisa sa naturang pamamahagi sina City Administrator Mr. Wilfredo Dodong Ablao at 3rd District of Batangas Representative’s Chief of Staff Atty. King Collantes na ating kaagapay sa paghahatid ng tulong pinansyal para sa medikasyon, hospitalization, at mortuary assistance ng ating mga kababayan.
Para sa mga Tanaueñong nais makahingi ng tulong sa ating Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, bukas tuwing Huwebes ang CSWD Office para tumanggap ng aplikasyon para sa medical, burial/mortuary at hospitalization assistance.