Pagkilala ni Mayor Sonny Perez Collantes sa Prinsesa Republika Pilipinas 2024

Kababayan nating wagi bilang Prinsesa Republika Pilipinas 2024, kinilala ni Mayor Sonny Perez Collantes!

Isa nanamang panibagong karangalan para sa Lungsod ng Tanauan ang naiuwi ng ating kababayang si Jaye Noreen Anacan mula sa Brgy. Ambulong, matapos koronahan bilang Prinsesa Republika Pilipinas 2024.

Kasama sina Mayor Sonny Perez Collantes at City Administrator-DODONG ABLAO, kanilang pinuri ang simbolo ng kagandahan at husay ng ating mga Tanaueña. Kanila ring binigyang pagkilala ang tagumpay na nakamit ni Jaye Noreen bilang isang inspirasyon para sa ating mga kabataang Tanaueña.

Sa ngalan ng buong pamunuan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, isang taos pusong pagbati sa iyong tagumpay. Mabuhay ang bawat isang kabataang Tanaueño!

Previous Pagtatalakay ng Peace and Order sa Lungsod ng Tanauan

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved