Pagtatalakay ng Peace and Order sa Lungsod ng Tanauan

Pagpapanatili ng Peace and order sa Lungsod, tinalakay kasama ang Citizen’s Crime Watch Tanauan Batangas Chapter!

Sa patuloy na pagkonsulta sa iba’t ibang Sektor, pinulong at inalam ni Mayor Sonny Perez Collantes ang pangangailangan ng Citizen’s Crime Watch Tanauan Batangas Chapter bilang isa sa kabahagi ng Pamahalaang Lungsod sa pagtaguyod ng Peace and Order sa Tanauan.

Binigyang diin ni Mayor Sonny rito, sa patuloy na pagkakaisa at pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan at kanilang organisyon mapapaigting ang pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa ating Lungsod.

Mariin namang inihayag ng ating City Administrator-DODONG ABLAO kasama si CSWD Department Head Ms. Vicky Javier na palaging bukas ang Pamahalaang Lungsod para sa kanilang mga suhestyon at programa na poprotekta at magbibigay seguridad sa bawat isang Tanaueño.

Previous Mayor Sonny Perez Collantes namahagi ng Learning Materials!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved