Pagbuo ng Local El Niño Team at paghahanda para sa Gawad Kalasag ngayong taon, bahagi ng 1st CDRRMC Quarterly Meeting!

Pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes ngayong hapon ang isinasagawang 1st City Disaster Risk Reduction and Management Council meeting kasama ang mga miyembro nito kung saan tinalakay ang mga sumusunod:

• Ulat ng panahon ngayong araw at kasalukuyang estado ng Bulkang Taal
• Naging operasyon at mga aktibidad ng CDRRMO sa nakalipas na mga buwan (December – January)
• Pag-oorganisa ng Local El Niño Team alinsunod sa nilagdaan ni Mayor Sonny Perez Collantes na Executive Order No. 02.
• Paghahanda para sa nalalapit na Semana Santa
• Mga plano at programa ng CDRRMO para sa 2nd Quarter ng Taon.
• Mga gagawing paghahanda para masungkit ang Gawad Kalasag – Beyond Compliant

• Ulat ng operasyon at preparasyon mula sa mga miyembro nito partikular na ang BATELEC

Previous TINGNAN | Pagsasagawa ng isang Tree Planting Activity sa Sabang Eco Park

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved