New beginnings: Tanauan City College Batch 2024 Graduation

Congratulations Tanauan City College Batch 2024!

Pinangunahan ni Tanauan City College Chairman Mayor Sonny Perez Collantes kasama si Tanauan City College Administrator Mr. Jun Goguanco ang paggawad ng mga degree at sertipiko para sa lahat ng nagsipagtapos sa ika-anim na Commencement Excercises para sa Batch 2024. Kasabay nito, nag-iwan ng makabuluhang aral at inspirasyon sa kanyang mensahe si Atty. King Collantes para sa mga mag-aaral upang pagyabungin ang mga aral na natutunan sa nasabing Paaralan.

Sa mensahe naman ni Mayor Sonny, kaniyang binigyang diin ang kahalagahan ng Edukasyon sa bawat isa. Aniya, ito ay susi para sa mas maraming oportunidad at sa mas maunlad na Lungsod ng Tanauan. Ibinahagi niya rin ang mga programang inihahatid ng ating Lokal na Pamahalaan bilang pag-agapay sa pagpapaunlad sa sektor ng Edukasyon.

“Mabuhay ang mga bagong graduates! Sa inyong pagtatapos, ipinapakita ninyo ang tunay na kahulugan ng “Rising Together: Inspiring Change, Achieving Dreams.” Ang inyong tagumpay ay tagumpay ng buong Tanauan — at patuloy nating isusulong ang pagbabago at pag-abot ng ating mga pangarap bilang isang bayan!”

Previous 10 Kayak Boat for the 6 lakeshore Barangays

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved