Monitoring and Validation ng Community Based Drug Rehabilitation Program

CONGRATULATIONS, Tanauan City!
Pasado sa isinagawang Monitoring and Validation ng Community Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) ng Department of Health nitong nakaarang linggo kasama ang mga kinatawan mula Tanauan City Health Office, Tanauan Local Social Welfare and Development at Tanauan PS Pulis.
Ang naturang rehabilitation program ng Pamahalaang Lungsod na “BANGON (BAgo Nating Gabay sa Obligasyon Nang pagbabago ng mga Tanaueño)” ay layong bigyang-interbasyon ang ating mga kababayang naapektuhan ng ipinagbabawal na gamot.
Ang nasabing validation ay pinangunahan ng mga kawani ng DOH na sina Senior Health Promotion Officer Ms. Ma.Theresa Malubag at Psychologist I Ms. Kim Rea Bicare na kabahagi ng ating lokal na pamahalaan sa paghahatid ng kaukulang medikal at sikolohikal na hakbangin.
Muli, mula sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes isang taos pusong pagbati! Ang pagkilalang ito ay patunay ng tuluy-tuloy na serbisyo ng lokal na pamahalaan tungo sa mas maayos at ligtas na komunidad
Previous Moving Up Ceremony mula sa Brgy. Altura Bata, Altura Matanda, Altura South, Cale, Malaking Pulo at Santol.

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version