Sa mga naibabang mga programa para sa iba’t ibang sektor ng ating lipunan, binigyang pansin ngayong araw ang maigting na pangangalaga at paghahatid ng serbisyo para sa kaligtasan ng ating mga kababayan.
Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes naging sentro nito ang iba’t ibang aktibidades sa nakalipas na taon kabilang rito ang maayos na pamunuan ng Kanlungan Center at Bahay Pag-asa ng ating Lungsod. Mahusay na pangangasiwa ng ating mga Child Development Centers kabilang na rin ang paghahatid ng school supplies at Supplementary Feeding Program para sa mga Child Development Learners.
Sa ulat naman ng Persons with Disability Affairs Office naging matagumpay ang pamamahagi ng Birthday Cash Gift at Christmas Cash Gift sa pamamagitan ng Tulong Handog program para sa ating mga kabataang PWD.
Highlight naman ng report ng Gender and Development Office ang matagumpay na 18 Day Campaign to End VAW noong nakaraang taon. Samantala, patuloy namang nakasusunod ang ating mga Barangay VAWC Desk sa pagsusumite ng kanilang Accomplishment report kada buwan.
Bahagi rin nito ang patuloy na pangangalaga para sa ating mga Migrant Workers kung saan nagkakaroon ng Capability Training Building at aktibong pagdalo sa mga talakayan patungkol sa Anti-illegal Recruitment at Human Trafficking. Kaugnay nito ang pagsasagawa ng masayang pagdiriwang ng Migration Day na ginunita sa Lungsod ng Tanauan.