Mga Benepisyo at Programa para sa mga differently-abled nating mga Tanaueño, tinalakay sa 2024 1st Monthly Meeting ng Federation of PWD Association!
Kaugnay sa pagsusulong ng karapatan at suporta para sa sektor ng Persons With Disability (PWD) sa Lungsod ng Tanauan, isinagawa ngayong araw ang 2024 1st Monthly Meeting ng Federation of PWD Association sa pangunguna ni TCWCC President Atty. Cristine Collantes na kumatawan kay Mayor Sonny Perez Collantes, katuwang ang Pdao Tanauan at Tanauan Local Social Welfare and Development.
Kabilang sa tinalakay rito ang mga programang ipinatutupad ng lokal na pamahalaan tulad ng pagpapaabot ng tulong pinansyal para sa medikal na pangangailangan, regular birthday at Christmas cash gifts at pagkakaloob ng assesitive devices para sa ating mga kabababayan.ju
Bukod dito, ibinahagi rin ng mga kawani ng PDAO Tanauan ang mga benepisyo sa ilalim ng Republic Act 11228 o ang pagbibigay ng Mandatory Philhealth Coverage para sa lahat ng Persons with Disability.
Samantala, tinalakay rin dito ang DOH Philippine Registry of Persons with Disability (PRPWD) na mandato ng nasyunal na pamahalaan na magsisilbing data base system ng lahat ng PWD sa buong bansa na magagamit sa ilalim ng National Health Insurance Program (NHIP) ng PhilHealth.