Agripreneur – Production Team ng GMA 7, itatampok ang mga proyektong paghahalaman ng ating Lungsod!

Bumisita kahapon ang Production Team mula Agripreneur, isang programa sa GMA 7, na nagbabahagi ng iba’t ibang kaalaman hinggil sa pagsasaka.

Dito ay masayang ibinahagi ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes ang mga prayoridad na proyektong pang-agrikultura tulad ng pagpapaunlad ng industriya ng cacao at niyog na inaasahang mas makatutulong sa ating mga magsasaka.

Kasabay nito ang pagbibigay alam sa ating minamahal na Mayor para sa kanilang isasagawang pagbisita sa mga makabuluhang proyektong paghahalaman sa ating Lungsod upang itampok ito sa Agripreneur at mapapanood sa National TV.

Previous TINGNAN | Serbisyong Publiko Caravan Medical Mission, inihatid sa Sitio Mahabang Buhangin!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version