Memorandum of Agreement, Mayor Sonny Perez Collantes

Memorandum of Agreement Signing Para Sa KALAHI-CIDSS Program

MOA Signing Para Sa Implementasyon Ng KALAHI-CIDSS Program, Tagumpay; Farm to Farm Market Roads Sa Brgy. Boot, Kasado Na!

 

Memorandum of Agreement, Mayor Sonny Perez Collantes

Pormal nang nilagdaan ang “Memorandum of Agreement” sa pagitan ng Department of Social Welfare and Development at City Government of Tanauan para sa implementasyon ng KALAHI CIDSS Program (Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services). Naging posible ito sa patuloy na pakikipagtulungan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes kay Senator Imee R. Marcos, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at DSWD na layong pagandahin ang mga pangunahing kalsada, paunlarin ang lokal na ekonomiya at palaguin ang oportunidad sa Lungsod.
Mayor Sonny Collantes, Tanauan, Memorandum of Agreement
Sa mensahe ng ating mahal na Punong Lungsod Sonny Perez Collantes, “Isa po itong patunay na kapag ang mga pinili nating mga lider ay nagtutulungan at nagkakaisa, tiyak na magiging maganda ang resulta”. Kanya ring kinilala at pinasalamatan ang patuloy na pagpili ni Senator Imee Marcos sa Lungsod ng Tanauan upang hatiran ng iba’t ibang proyekto at programa. Ipinaabot din ng ating Congresswoman Maitet Collantes ang kanyang taos pusong suporta sa naturang programa na layong palakasin ang pagtutulungan at pagkakaisa ng mga komunidad.
Pinasalamatan din ng Sangguniang Barangay ng Boot sa pangunguna ni Kap. Bong Bong Burgos si Mayor Sonny at lahat ng nakiisa upang mailunsad ang KALAHI CIDSS Program.
Mayor Sonny Collantes, Tanauan, Memorandum of Agreement
Kaugnay rito, sa loob ng dalawampung taon ng KALAHI CIDSS Program, Lungsod ng Tanauan ang kauna-unahang benepisyaryo ng KALAHI CIDSS Program sa buong Lalawigan ng Batangas.
Nagpaabot din dito ng suporta ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Tanauan, City Administrator Wilfredo Ablao, Department Managers at mga Punong Barangay sa Lungsod ng Tanauan.
Naging kinatawan naman ng pamunuan ng DSWD sina Mr. Nelson Robles— Regional Program Coordinator, Mr. Erick Padua at Mr. Leonard Salumbides.
Previous Health Emergency Allowance Para Sa Mga Health Workers

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved