Meat Processing Training and Production para sa mga Kababaihan, muling inihatid ng TCWCC at CCLDO Tanauan
Mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes at Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes na maghatid ng sustainable livelihood program sa Lungsod, muling inlunsad ngayong araw ang Meat Processing Training and Production para sa mga kababaihan mula sa iba’t ibang barangay at organisasyon.
Kaugnay nito, naging posible ang naturang programa sa pamamagitan din ng aktibong pakikiisa ng ating Tanauan CCLDO sa pangunguna ni Ms. May Teresita Fidelino at Tanauan CSWD na kabahagi ni Mayor Sonny sa pagpapalawak ng kaalaman at kasanayan ng bawat sektor sa ating Lungsod.
Samantala, sa mensahe ni TWCC President Atty. Cristine Collantes na kumatawan kay Mayor Sonny, sa pamamagitan ng pinagbuklod na pagtutulungan ng bawat ahensya at tanggapan, mas pinadadali at ginagawang “accessible” na ang lahat ng programa sa pamamagitan ng TWCC na nagsisilbing umbrella organization ng lahat ng women’s organization.
Dagdag pa ni Atty. Cristine, patuloy rin ang pag-agapay ng TWCC at ating Pamahalaang Lungsod upang makapagbigay ng karagdagang pangkabuhayan at trabaho para sa mga mamamayan ng Lungsod ng Tanauan.