Mayor Sonny Perez Collantes, ginawaran ng medalya ang isang kawaning 30 taon ng nasa serbisyo!

Mayor Sonny Perez Collantes, ginawaran ng medalya ang isang kawaning 30 taon ng nasa serbisyo!
Isang medalya ng pagkilala ang iginawad ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes kay Mr. Elmer Casila bilang pagpupugay sa kaniyang mahabang panahon na paglilingkod sa Lungsod ng Tanauan.
Kasama ang City Human Resource and Development Office sa pamumuno ni Ms. Jacq Landicho, binigyang parangal ang naturang kawani mula sa Operation of Slaughterhouse para sa talumpung taon nitong pagsisilbi sa City Government of Tanauan.
Kalakip nito ang pag-aalay ng dasal ng ating butihing Mayor kasama si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes para sa namayapa nitong asawa dahil sa sakit.
Ang Pamahalan ng Lungsod ng Tanauan ay buong pusong ipinagmamalaki ang iyong natatanging dedikasyon para pagsilbihan ang ating mahal na Lungsod!
Previous DOLE TUPAD

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved