Local AICS para sa mga Tanaueño, ipinamahagi ni Mayor Sonny Perez Collantes!
Umabot sa mahigit 219 na mga Tanaueño ang nabigyan ng tulong pinansyal ngayong araw sa ilalim ng programang Local Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes, katuwang ang City Treasury Office at Tanauan Social Welfare and Development Office (CSWD) sa pamumuno ni Ms. Vicky Javier.
Nakiisa rin sa naturang pamamahagi sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Atty. Cristine Collantes at ang ating City Administrator Mr. Wilfredo Dodong Ablao na kaagapay sa paghahatid ng tulong pinansyal para sa medikasyon, hospitalization, at mortuary assistance ng ating mga kababayan.