Mayor Sonny at Congw. Maitet Collantes, pormal nang nanumpa bilang PhilKorEC members

TINGNAN | Mayor Sonny at Congw. Maitet Collantes, pormal nang nanumpa bilang PhilKorEC members
Para sa mas malawak na oportunidad para sa ating mga kababayan sa lungsod ng tanauan at ikatlong distrito ng batangas, pormal nang nanumpa bilang mga bagong miyembro ng Philippine – Korean Economic Council (PhilKorEC) sina Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes nitong Miyerkules, ika-24 ng Mayo.
Kabilang sa nasabing samahan ay mga kinatawan ng iba’t ibang sektor at mga kawani ng pamahalaan mula Pilipinas at South Korea na bukas na mag-uugnayan tungo sa pag-unlad ng ekonomiya ng dalawang bansa.
Ang philkorec ay isang non-stock at non-profit organization na itinatag sa bansa noong 1978 sa ilalim ng philippine chamber of commerce and industry o pcci upang palakasin ang oportunidad ng negosyo, turismo at kalakalan sa pagitan ng mga nasabing bansa.
Previous Matagumpay na Chikiting Ligtas 2023; Kaso ng COVID19 at Dengue sa Lungsod ng Tanauan

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version