Maligayang pagdating sa Lungsod ng Tanauan, Honorable U.S Director (ADB) Chantale Wong!
Mainit po naming tinanggap ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes ang pagdating ni United States Director for the Asian Development Bank , Honorable Chantale Yokmin Wong sa New Tanauan City Hall kaninang umaga.
Si Ambassador Wong ang isa sa mga naging katuwang ng City Government of Tanauan kasama ang mga opisyal ng St. Luke’s Medical Center sa pangunguna ni Mr. Art S. Dela Peña, upang tagumpay na maibaba ang libreng Surgical Mission para sa mga Tanaueño— sa kasalukuyan ay mahigit 100 na mga kababayan na natin ang natulungan sa iba’t ibang diagnosis.
Si Ambassador Wong din ang isa mga piling miyembro ng delegasyon na ipinadala ni U.S President Joe Biden sa Pilipinas noong inagurasyon ng ating Pangulong Bongbong Marcos .
Ibinahagi natin kay Ambassador ang masayang selebrasyon ng mga Tanaueño sa ika-22 taon ng pagiging Lungsod ng Tanauan. Masaya rin po akong ibabalita sa inyo na handa rin tayong tulungan ng pamunuan ng St. Luke’s Medical Center upang bigyan ng karagdagang trainings at emergency kits ang ating mga Barangay Health Workers sa Tanauan.
Bukod sa ipinatikim natin sa kanya ang ipinagmamalaki nating Sumang Yakap, kanya ring binisita ang Tanauan City Trading Post (Bagsakan} at namili ng mga prutas at gulay. Kasama rin natin siyang nagtanim ng puno ng Narra sa New Tanauan City Hall bilang tanda naman ng ating pagpapahalaga, na minsa’y binisita tayo ng opisyal mula sa U.S Government upang tayo’y tulungan sa pagbaba ng mga programa at proyekto para sa mga kapwa ko Tanaueño.
Muli, maraming salamat po sa pagbisita Ambassador Wong kasama sina Mr. Benjamin Campomanes, Mr. Joaquin C. Lagonera at Mr. Billy Mondonado. Malaking bagay po ang inyong pagtungo bilang simbolo na ang Pamahalaang Lungsod ay hindi nag-iisa sa pagpapaunlad ng Tanauan!
You are always welcome in the City of Tanauan, balik po kayo sa minamahal naming Lungsod!