Mala-Disneyland na Pasyalan sa Tanauan, Mayroon Na!

Mala-Disneyland na pasyalan, mayroon na rin sa Lungsod ng Tanauan!

Hanap mo ba’y kakaibang pasyalan na mayroong kakaibang adventure at mala-disneyland na pasyalan? Parine na sa Jcastles Theme Park na matatagpuan sa Brgy. Gonzales, Tanauan City Batangas.

Kahapon sa soft opening nito, dumalo sina Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes kasama ang iba’t ibang personalidad kabilang sina Kapamilya Actor Daniel Padilla, Filipino Singer-Songwriter Kris Lawrence upang bisitahin ang mga maeenjoy sa naturang pasyalan tulad ng:

STUDIO CASTLE
* Intro Room
* Entrance
* Flood Room
* Water District
* Infinity LED Room
* UFO Laser Room
* Cosmic Projection Room
* Crystal Chairs
* Tropical Forest

POP Castle
* Intro Room
* Theater
* Thrill or Chill
* Light Bridge
* Space Ship
* Disco Room
* Game Room

* Giant Rubber Ducky Room

Dagsaan rin ang mga turistang nagtungo sa unang araw ng pagbubukas nito sa publiko upang maranasan ang mala-disneyland adventure na talaga namang nagbigay ngiti at kasiyahan para sa mga tsikiting, magkasintahan at mga matatanda.

Sa pagsapit ng gabi naging mailaw at napuno ng kasiyahan ang paligid dahil sa inihandang Fireworks Display ng pamunuan ng #JCastles para sa matagumpay na pagbubukas nito.

Previous Educational Assistance para kabataang Tanaueño

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version