LOOK | Batang Math Wizard mula sa Brgy. Sambat

LOOK๐Ÿ‘€ | Batang Math Wizard mula sa Brgy. Sambat, bumisita sa Tanggapan ng mga Mamamayan!
Mismong ang ating butihing Punong Lungsod Sonny Perez Collantes ay napahanga ng batang si Jef Noah B. Soliman dahil sa angking talino nito sa larangan ng Matematika! Ang bata ay nagwagi ng mga parangal hindi lamang sa Pilipinas kundi pati narin sa International Competitions tulad ng mga sumusunod:
๐ŸฅˆSilver Award – Guandong-Hongkong Macau Greater Bay Area International Mathematical Olympiad 2022 (Final Round)
๐ŸฅˆSilver Award – Philippine International Mathematical Olympiad 2022 (Heat Round)
๐Ÿช™Gold Award – Hongkong International Mathematical Olympiad 2022 (Heat Round)
Ayon sa kanyang Mommy Sugar, 1 yr old pa lamang si Noah ay kaya na nitong magbilang ng 1 to 100, mag-solve ng basic math operations at kabisado na niya ang 2D at 3D shapes! Kaya naman hindi na nakagugulat na noong siya’y tumuntong sa edad na 5 yrs old ay kaya na niyang daigin ang talas ng isip ng isang batang 8 yrs oldโ€” ito ay ayon mismo sa Philippine Mental Health Association of the Philippines!
Hilig ni Noah ang mga subjects na Math, Science, Arts, History, Geography at Coding! Pangarap nya rin ang maging Astronaut o kaya’y maging isang Game Developer sa hinaharap.
Nanindigan naman si Mayor Sonny Perez Collantes na laging handang umagapay ang Pamahalaang Lungsod sa pagsuporta sa husay at talino ng bawat kabataang Tanaueรฑong tulad ni Noah.
By: Nic
Previous Pagsasaayos ng mga stall sa Cedera

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved