Libreng Pap Smear: “Babae, Mahalaga Ka”

Sa Tanauan, ramdam ng mga kababaihan ang pangangalaga ng Pamahalaang Lungsod, ngayong araw mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang si TCWCC President Atty. Cristine Collantes, muling isinagawa ang Libreng Pap Smear para sa ating mga kababaihan sa bawat komunidad na kasalukuyang ginaganap sa ating Mega Health Center sa Barangay Poblacion 3.
Pagtitiyak ni Mayor Sonny, malaki ang maitutulong nito upang ma-detect at maiwasan ang malalang karamdaman patungkol sa pagkaroon ng Cervical Cancer sa ating mga kababaihan.
Tinatayang nasa 300 na kababaihan ang Target ng naturang programa bilang bahagi ng pagsulong ng ligtas at protetakdong Tanaueña laban sa sakit na Cancer.
Previous 𝐏𝐚𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐭𝐚 𝐧𝐠 “𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐛𝐢𝐥𝐢𝐭𝐲 𝐑𝐢𝐠𝐡𝐭 𝐖𝐞𝐞𝐤”, 𝐬𝐢𝐧𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐋𝐮𝐧𝐠𝐬𝐨𝐝 𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐧𝐚𝐮𝐚𝐧

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved