Karagdagang tulong pinansyal, handog ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes para sa mga biktima ng Bagyong Paeng!

Karagdagang tulong pinansyal, handog ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes para sa mga biktima ng Bagyong Paeng!
Sa patuloy na pagtugon ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa ating mga kababayan na labis na naapektuhan ni bagyong Paeng, tuloy-tuloy ang inihahandog na tulong ng Pamahalaang Lungsod para bigyang kalinga ang mga biktima.
Ito ay bunga ng masidhing pakikipagtulungan ng ating Punong Lungsod sa mga tanggapan ng ating Lokal na Pamahalaan upang maipadama sa bawat Pamilyang Tanaueño ang pangangalaga ng kanilang Pamahalaang Lungsod sa panahon ng mga sakuna at kalamidad.
Nakiisa rin si Batangas 3rd District Representative Chief of Staff Atty. King Collantes sa naturang pamamahagi para bigyang suporta ang mga ganitong uri ng programa ng ating lokal na pamahalaan. Bahagi rin ito ng adhikain ng ating Ina ng Ikatlong Distrito ng Batangas Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes na maging kabahagi sa paghahatid ng serbisyo sa ating mga kababayan.
Previous Isinusulong na karagdagang mga Street Sweeper mula sa Persons Deprived of Liberty

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version