Isinusulong na karagdagang mga Street Sweeper mula sa Persons Deprived of Liberty, tinalakay sa Solid Waste Management Board Meeting!
Mula sa inisyatibo ng ating butihing Mayor Sonny Perez Collantes na mapanatili ang kalinisan sa ating Lungsod patuloy ang pagsulong ng mga programa ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa pamumuno ni Engr. Enrico Javier na mangangalaga at magbibigay proteksyon sa ating kalikasan.
Tinalakay rito ang mga isinagawang hakbang ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa nakalipas na mga buwan para mapanatili ang kalinisan sa ating Lungsod. Kabilang dito, ang masidhing pangongolekta ng basura sa bawat Barangay, 24/7 na operasyon ng ating mga Street Sweeper sa Lungsod ng Tanauan, tuloy-tuloy na operasyon ng ating Mechanical Street Sweeper para sa mabilis na paglilinis ng bawat kalsada at paggamit ng Materials Recovery Facility (MRF) para pagkunan ng mga composting materials na pinoproseso mula sa nakokolektang mga basura.
Pinaiigting din ang implementasyon para sa panghuhuli at pagmumulta sa mga kababayan nating nalabag sa mga ipinatutupad na ordinansa katulad ng ilegal na pagtatapon ng basura at pagkakalat sa mga kalye, gayundin ang paggamit ng plastik sa mga pampublikong pamilihan. Nagsasagawa rin ang Pamahalaang Lungsod ng Information campaign sa bawat Barangay para sa wastong pagbubukod ng mga nabubulok at hindi nabubulok na basura.
Kasabay nito, ang pakikipagtulungan ng ating Punong Lungsod sa tanggapan ng CENRO upang mabigyan ng oportunidad ang ating mga kababayag Persons Deprived of Liberty (PDL) na maging kabahagi ng Pamahalaang Lungsod para sa kaniyang adhikain na mapanatili ang kalinisan sa Lungsod ng Tanauan.