Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay Cash-For-Work (KKB CFW), inihatid para sa mga Batangueño sa Ikatlong Distrito
Umabot sa 1,500 na mga Batangueño ang kasalukuyang mabibigyan ng programang Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay Cash-For-Work (KKB CFW) na hatid ng Department of Social Welfare and Development sa pangunguna ni DSWD Sec. Rex Gatchalian katuwang ang Tanggapan ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Atty. King Collantes, Tanauan City Mayor Sonny Perez Collantes at Tanauan Local Social Welfare and Development.
Ang mga nasabing benepisyaryo ay mga kababayan nating naapektuhan ng Bagyong Paeng at Volcanic Smog na layuning bigyan sila ng pansamantalang trabaho sa knai-kanilang komunidad na tatagal ng 15 araw.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang pinasalamatan ang buong pamunuan ng DSWD sa patuloy na pagbababa ng mga programang aalalay sa ating mga kababayang nangangailangan.