TINGNAN | Lungsod ng Tanauan, kabilang sa programang KaNegosyo Center ni pangulong Bongbong Marcos at Cebuana Lhuillier
Upang mas palakasin pa ang MSMEs sa buong bansa, nakiisa sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at TWCC Atty. Cristine Collantes bilang kinatawan ni Mayor Sonny Perez Collantes sa ginanap na launching ng programang KaNegosyo Center ni Pang. Bongbong Marcos katuwang ang P.J. Lhuillier Group of Companies at flagship brand nito na Cebuana Lhuillier.
Mula sa aktibidad na ito, isa ang Lungsod ng Tanauan sa napili bilang pilot city sa bansa na pagtatayuan ng KaNegosyo Center na layong matulungan ang ating mga Tanaueñong nais magtayo ng negosyo.
Kabilang sa inaasahang serbisyong ihahatid ng Kanegosyo Center ay ang ‘Kanegosyo Coach’ sa pamamagitan ng business management mentorship, ‘Kanegosyo Assist’ kung saan layong magkaroon ng one-stop shop para sa mga government forms, at ‘Kanegosyo Bundle’ sa pamamagitan ng pagbibigay ng dagdag puhunan.
Habang sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ni Mayor Sonny sa Cebuana Lhuillier at kay Pang. Marcos, inaasahang mas mapapalawig pa ang iba’t ibang industriya sa pammaagitan ng MSMEs tungo sa pag-unlad ng ating lokal na ekonomiya.