Binibining Tanauan, Tanauan City

Kandidata mula Brgy. Ambulong, kinoronahan bilang Binibining Tanauan 2024!

Matapos ang limang taon, muling ibinalik ni Mayor Sonny Perez Collantes ang pinaka-inaabangang tagisan ng husay at natatanging ganda ng ating mga Tanaueña sa ginanap na Grand Coronation Night ng Binibining Tanauan 2024 kasama sina Congw. Maitet Collantes at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.

Binibining Tanauan, Tanauan City. Mayor Sonny Collantes

Sa pagsisimula isa isang rumampa ang 46 na mga kandidata suot ang kanilang kumikinang na mga Evening Gown na sinundan ng 1st at 2nd Surprise and Special Award mula sa mga Minor at Major Sponsors ng naturang patimpalak.

Binibining Tanauan, Tanauan City. Mayor Sonny Collantes

Nagpakaba naman sa mga manonood nang inanunsyo na ang mga kandidatang pasok sa Top 20. Matapos nito, pinasaya at napuno nang palakpakan ang buong Plaza Mabini nang ibinida ng 20 kandidata ang kanilang Swimsuit sa Entablado.

Binibining Tanauan, Tanauan City. Mayor Sonny Collantes

Mas tumindi pa ang programa ng banggitin na ang mga napiling makakapasok sa Top 10 at nagkaroon ng Question and Answer portion upang suriin ng mga hurado ang mga kalahok na mapapabilang para sa Top 5.

Binibining Tanauan, Tanauan City. Mayor Sonny Collantes

Nakapasok sa Top 5 sina Candidate No. 44, Candidate No. 11, Candidate No. 37 , Candidate 26 at Candidate No. 5 na nagkaroon muli ng Q&A para sa mapipiling kokoronahan kagabi.

Binibining Tanauan, Tanauan City. Mayor Sonny Collantes Binibining Tanauan, Tanauan City. Binibining Tanauan, Tanauan City. Mayor Sonny Collantes

Sa pagtatapos, hinirang bilang Binibining Tanauan 2024 si Ms. Princess Dianne Ramos mula sa Barangay Ambulong. Habang 1st Runner up si Ms. Aila G. Mutia ng Brgy. Maugat, 2nd Runner up naman si Ms. Yana Ysabel Maranan ng Brgy. Suplang, 3rd Runner si Ms. Chelsey Isabele Therese ng Poblacion V at Ms. Thrisia Vien Losa ng Poblacion 6 bilang 4th Runner Up.

Previous HAPPY 23RD CITYHOOD ANNIVERSARY, CITY OF TANAUAN!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved