IN PHOTOS | Tanauan City/Barangay Women’s Coordinating Council’s 2nd Monthly Meeting

Tagumpay ang isinagawang monthly meeting ng Tanauan City/Barangay Women’s Coordinating Council na pinangunahan nina TCWCC President Atty. Cristine Collantes, Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes katuwang ang Gad Tanauan.

Kabilang sa tinalakay sa pagpupulong ay ang mga programang inihanda para sa darating na Women’s Month sa buwan ng Marso.

Bukod rito, pinag-usapan rin ang Barang Plan of Action ng bawat Barangay Women’s Coordinating Council kung saan layong tugunan ang mga pangangailangan ng sektor ng mga kababaihan sa pamamagitan ng pangangalaga sa kanilang karapatan at pagkakaroon ng isang gender-responsive na komunidad.

Samantala, naghandog din ng munting regalo sina Mayor Sonny, Congw. Maitet at Atty. Cristine Collantes para sa mga miyembro ng TCWCC na nagdiriwang ng kanilang kaarawan.

Previous TINGNAN | Patuloy ang pagpapaabot ng tulong ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa bawat Tanaueño katuwang si Atty. Cristine Collantes

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved