Ika-50 Regular Session ng Sangguniang Panlungsod ng Tanauan

Tanauan City Women’s Coordinating Council, binigyang pagkilala ng Sangguniang Panlungsod para sa nakamit na parangal sa ating Lalawigan!
Kasabay ng Ika-50 Regular Session ng Sangguniang Panlungsod, binigyang pagkikilala ngayong araw sa pangunguna ni Vice Mayor Atty. Jun-Jun Trinidad ang nakamit na karangalan ng Tanauan City Women’s Coordinating Council sa pangunguna nina Atty. Cristine Collantes at Mrs. Vangie Querrer Trinidad bilang Most Outstanding City Women’s Coordinating Council sa buong Lalawigan ng Batangas.
Matatandaang noong ika-30 ng Marso ay natanggap ng TCWCC ang nasabing parangal kung saan ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakamit ng ating Lungsod, ito ay dahil sa patuloy na suporta ni Mayor Sonny para sa kanilang sektor.
Dahil dito patuloy pang pinaiigting nina Mayor Sonny Perez Collantes at Atty. Cristine Collantes ang pagbuo ng mga programang poprotekta, mangangalaga at magpapalakas ng karapatan para sa ating mga kababaihan.
CONGRATULATIONS, Mabuhay ang bawat Tanaueña! Mabuhay ang Lungsod ng Tanauan!
Previous 41st Regular Flag Raising Ceremony ng Lungsod ng Tanauan

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved