Iba’t ibang organisasyon at institusyon sa Tanauan, magiging kabahagi ng Pamahalaang Lungsod sa pagbibigay ng wastong impormasyon para sa ating mga kababayan!
Alinsunod sa layunin na magkaroon ng isang “Connected Informed Community” ang Lungsod ng Tanauan, pinasinayaan kahapon, ika-18 ng Enero ang kauna-unahang City Information Correspondent Forum at Assembly na pinangunahan ng ating Mayor Sonny Perez Collantes at City Administrator Mr. Wilfredo Ablao, katuwang ang City Information Office (CIO).
Kabilang sa nakiisa sa naturang aktibidad na ito ay ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod, iba’t ibang sektor at institusyon na magsisilbing City Information Correspondents (CICs) at ating katuwang sa pagpapalawig pa ng mga serbisyong kinakailangan ng mga mamamayan.
Habang partikular na tinalakay rito ang proseso ng tamang pagbabahagi ng mga impormasyon at pag-alam sa mga sentimyento ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng social media at iba pang ‘media platforms’ ng ating lokal na pamahalaan.
Samantala, ipinakilala rin sa ating mga CICs ang Tanauan CGTV na magiging bago at makabagong digital platform na maghahatid ng napapanahong balita at kaganapan sa ating sa loob at labas ng Pamahalaang Lungsod at maging sa buong Ikatlong Distrito ng Batangas.